Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

"Invisible Boracay," dokumentaryo ni Howie Severino ngayong Sabado sa 'I-Witness'


“INVISIBLE BORACAY”

Dokumentaryo ni Howie Severino
January 30, 2016

Binisita ni Howie Severino at ng kanyang documentary team ang bahagi ng Boracay na kakaunti lang ang nakakaalam. Dito isang kahanga-hangang kwento ng isang tribo na naglakas-loob ipagtanggol ang kanilang karapatan sa kasarinlan ang nasaksihan ng team.

Lingid sa kaalaman ng mga turistang dumarayo sa Boracay, isang drama ang nagaganap sa kabilang pisngi ng sikat na islang ito.

Ang maputing buhangin ng Boracay ay dating teritoryo ng mga Ati, isang mapayapang tribo na dating gumagala sa iba't ibang bahagi ng isla at nangingisda sa mayaman nitong karagatan. Sinauna ang kanilang kultura. Mayroon silang mga altar, musika at sayaw.

Hindi naglaon, natuklasan ng buong mundo ang ganda ng Boracay. Pinatayuan ng mga gusali ang kalakhan ng isla at tila na-echapwera ang mga orihinal na residente nito. Napaalis ang mga Ati malayo sa dalampasigan hanggang sa napa-tituluhan na ng mga dayo ang lupang kanilang kinagisnan.

Sa tulong ng mga matatapang na madre, natuto ang mga Ati mag-organisa at ipaglaban ang kanilang mga karapatan. Pinamunuan ng isang millenial—ang kauna-unahang ka-tribo na nakatungtong sa kolehiyo—ang kanilang laban.

At sa loob ng ilang taon lang, kinilala ang kanilang karapatan sa lupa bilang ancestral domain at binigyan sila ng titulo; bagkus sa lupang mabato, ang kabilang pisngi ng isla.

Ngunit kahit may titulo na sila, tuloy pa rin daw ang pananakop ng mga dayo sa kanilang lupa, kabilang na ang isang malaking resort. Ganun pa man, itinuloy ng mga Ati ang pagpapatayo ng kanilang mga bahay at ng kanilang unang paaralan.

Hanggang sa isang gabi, napatay ang isang mahalagang miyembro ng kanilang komunidad ng isang manglilingó.

English version:

Howie Severino and his documentary team visit the side of Boracay few others know to tell the startling story of how a peaceful tribe is fighting back and setting an example for other beleaguered indigenous communities.

Unknown to nearly all of the tourists frolicking on the world's greatest beach is a tragic drama unfolding on the other side of Boracay.

The white sands of Boracay used to be the territory of Atis, a nomadic, gentle tribe that moved constantly to various spots on the island and fished in its rich waters. With one of the world's oldest living cultures, they had sacred natural shrines, their own music and dance.

Then the rest of the world discovered Boracay's charms. A rush for real estate marginalized the original inhabitants. The Atis were sent away from the beaches, their world torn asunder. They soon learned that much of the land was now titled to moneyed outsiders.

Then the Atis decided to organize. They allied with feisty nuns and lobbied for their rights. Their struggle was led by a charismatic Ati millennial, one of the first in the tribe to go to college.

Within a few years, the community was awarded a land title of their own that recognized their right to ancestral domain, on the hilly, less famous side of the island.

But they realized that most of the land was claimed and occupied by others, including a large resort. The Atis built their homes there anyway and planned to establish the first Ati school.

Then, one dark night, an assassin killed the most important member of their community.

Tags: plug, pr, iwitness