'Paskong Pinoy sa Paris,' dokumentaryo ni Howie Severino, ngayong Sabado sa 'I-Witness'
PASKONG PINOY SA PARIS
I-Witness Howie Severino
December 26, 2915
Filipino version:
Dalawang linggo makalipas ang pag-atake ng mga terorista sa Paris, kinamusta ni Howie Severino at ng kanyang documentary team ang kalagayan ng mga Pilipino sa tinaguriang "City of Lights".
Sa gitna ng isang bansang nangangamba, nakilala nila ang isang OFW na tuwing day-off niya ay gumagawa ng isang meriendang Pinoy na hinahanap-hanap lalo na tuwing Pasko: ang puto bumbong.
Mula sa kanyang pagawaan sa loob ng kanyang munting tirahan, sinundan ni Howie ang paghahatid ng puto bumbong sa iba't ibang nangungulilang kababayan. Sa bawat paghahatid, may kapalit na kwentong pabaon. Pero sa huli, ang kwentong pinakapuno ng kirot ay mula mismo sa gumagawa ng puto bumbong.
English version:
Just two weeks after Paris was attacked by terrorists, Howie Severino and his documentary team travel to the City of Lights to see how Filipinos working there are faring.
Amid new fears mingling with the delights of the approaching holidays, they find an OFW house cleaner who bakes a special delicacy that reminds her fellow Pinays of Christmas at home.
Following the Parisian journey of puto bumbong from her tiny apartment to the hands of homesick kababayan, Severino discovers the maker has a heart-breaking back story. The act of creating puto bumbong is a way of coping, especially when it brings joy to her many customers.