'Food High sa Dubai,' dokumentaryo ni Jay Taruc, ngayong Sabado sa 'I-Witness'
“FOOD HIGH SA DUBAI”
Dokumentaryo ni Jay Taruc
December 19, 2015
"We are what we eat." Sinasabing makikilala mo ang kultura at mga paniniwala ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang pagkain. At sa United Arab Emirates, makikita ang ugnayan ng mga Emirati sa kanilang pagkain.
Ngayong Sabado, ihahatid sa atin ni Jay Taruc ang mga masasarap na pagkain sa Dubai kasama si Chef John Buenaventura, isang Filipino chef extraordinaire na kasalukuyang head chef ng Atlantis Hotel.
Ipinakita ni Chef John kay Jay ang mga pagkaing hinahain ng isang lokal na Emirati kapag nagsasalo-salo ang kanilang pamilya. Dinayo nila ang ilang lugar na sikat sa street foods na patok sa mga Emirati at expats na mahilig mag food trip. At higit sa lahat, inihanda ni Chef John ang kanyang mga signature recipe na humuli sa metikulosong panlasa ng mga Emirati!
Samahan si Jay Taruc sa kanyang food adventure, “FOOD HIGH SA DUBAI” ngayong Sabado sa I-Witness(GMA 7), pagkatapos ng Celebrity Bluff.
English version:
"We are what we eat." This saying reflects the relationship of men and food. And in United Arab Emirates, this relationship is most appreciated.
Once again, Jay Taruc brings us delectable delights by documenting the flavorful cuisine that Dubai has to offer. For his gastronomic adventure, he teams up with Chef John Buenaventura, a Filipino chef extraordinaire and head chef of Atlantis Hotel.
Chef John introduces Jay to staple foods of an Emirati family, street foods, and most especially, he prepares his signature dishes for Jay and his I-Witness team. It’s no wonder this Pinoy chef has captured the meticulous palate of the Emirati people.
Catch Jay Taruc’s I-Witness documentary this Saturday, “FOOD HIGH SA DUBAI”, after Celebrity Bluff.