Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

'Ibang Pagtingin,' dokumentaryo ni Howie Severino, ngayong Sabado sa 'I-Witness'


 

“IBANG PAGTINGIN”

Dokumentaryo ni Howie Severino

November 21, 2015


Limang taong gulang pa lang ang batang bulag na si Aleeia Maclit noong una siyang makilala ni Howie Severino. Nakisabay sina Aleeia noon sa van sa sinasakyan ni Howie. Mula noon, naging tampok na ang bibong bata sa dalawang dokumentaryo ng I-Witness. Mula 2007, napanood natin siyang lumaki sa harap ng kamera. Ngunit higit dito, nakita rin natin kung paano nakisalamuha si Aleeia sa isang lipunan na tila hindi pa lubusan ang pagtanggap sa mga tulad niya.

Ngayon, trese anyos na si Aleeia at mayroon na siyang pangarap: ang maging isang mamamahayag. Gamit ang braille, walang kapagurang nakikinig at nagtatala si Aleeia bilang isang campus journalist sa kanyang paaralan. Sa katunayan, siya pa ang naging pambato ng kanyang paaralan sa ika-36 Metro Manila Young Writers Conference and Contest kung saan siya lang ang bulag sa isang libong kalahok.

Sa pagbisita ni Howie kay Aleeia ngayong taon, ipinakilala niya ang dalaga sa tanyag na iskultor na si Sajid Imao na unti-unting nabubulag sanhi ng isang namanang kondisyon. Ang naging panayam sa pagitan ng nangangarap na journo at ng iskultor ay isa sa mga hindi malilimutang pagtatagpong nasaksikhan ni Howie sa kanyang karera sa pagiging dokumentarista.

 

 


ENGLISH VERSION


Aleeia Maclit is a blind and precocious 13-year-old girl whom Howie Severino has been documenting since she was five when they found themselves riding the same van. Over the years, I-Witness viewers have watched Aleeia navigate a society that is not known to be friendly to PWDs or persons with disabilities.

But Howie and TV viewers have also been humbled by how Aleeia has faced adversity with great determination and even joy.

Howie returns to Aleeia to find that she is now an aspiring campus journalist who takes notes by Braille when she interviews. This year, she is her school's representative to the 36th Metro Manila Young Writers Conference and Contest, where she is the only blind contestant among a thousand participants.

The documentarist introduces Aleeia to the prize-winning sculptor Sajid Imao, known for his gigantic public art pieces, but is gradually going blind and faces an uncertain future. The aspiring journalist Aleeia interviews Sajid, and the result is one of the most memorable encounters Howie has witnessed in his documentary career.