Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Higanteng Lambat sa Gubat,' dokumentaryo ni Chino Gaston, ngayong Sabado sa 'I-Witness'
“HIGANTENG LAMBAT SA SUBAT”
Dokumentaryo ni Chino Gaston
October 17, 2015
Minsan nang lumabas sa "I-Witness" ang panghuhuli ng mga malalaking paniki gamit ang saranggola. Sa Kalinga naman, higanteng lambat ang gamit nila.
Ngayong Sabado, maglalakbay sa unang pagkakataon para sa programa si Chino Gaston upang bisitahin ang isang tribong nanghuhuli at kumakain ng mga malalaking paniki. Pero hindi madali ang kakaibang biyaheng ito dahil maliban sa malayo, mahirap ding marating ang lugar. Delikado ang masukal at makitid na daan na lalo pang pinahirap ng pagbuhos ng ulan. Ilang oras na lakad sa madilim na kagubatan na napapaligiran ng bangin ang nag-aabang.
Ano nga ba ang dahilan kung bakit may mga nagsasakripisyo para makatikim ng laman ng paniki? Sa mga restaurant sa bayan, naghahain sila ng inadobong paniki sa mga handang magbayad.
Sa isang lugar na naging kaugalian na ang pagkain ng mga ito, paano ba mapananatili ang tradisyon sa kabila ng nagbabantang pagkaubos ng mga hayop na ito sa gubat? Abangan ang “Higanteng Lambat sa Gubat” sa I-Witness, ngayong Sabado, pagkatapos ng Celebrity Bluff.
English version:
In 2012, "I-Witness" featured the hunting of giant bats via the use of kites. In Kalinga province, a tribe uses huge nets to capture these creatures.
This Saturday, Chino Gaston will go on a journey for to visit a tribe who hunts and eats these giant bats. The hunting grounds are difficult to get to, with dangerous trails made more challenging by the rain. With cliffs on both sides, navigating for hours through the dense forest at night time is not for the faint of heart.
Why do people go on such a difficult journey to taste bat meat? In restaurants around town, bat stew is served to anyone willing to pay. In a place where it has become a practice to eat bat meat, how do you balance tradition with conservation? Don’t miss I-Witness’ “Higanteng Lambat sa Gubat”, Saturday, after Celebrity Bluff.
Tags: prstory, chinogaston
More Videos
Most Popular