Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Yaman ng Isarog,' dokumentaryo ni Kara David, ngayong Sabado sa 'I-Witness'



“YAMAN NG ISAROG”
Dokumentaryo ni Kara David
October 10, 2015
 
Sa probinsya ng Bicol, may isang bulkang mas payapa kaysa Mt. Mayon. Ito’y isang kahanga-hangang biyaya dahil sa makakapal na gubat at 'di mabilang na bukal nito. Tahanan ng maraming uri ng ibon at mga hayop na sa Pilipinas lang matatagpuan ang Mt. Isarog, ang bulkan sa puso ng Camarines Sur. Ilang siglo na ang lumipas mula nang ito’y huling pumutok. At sa katahimikan nito matatagpuan ang mga kuwento ng kasaysayan ng Bicol.
 
Ano ang itinatago ng rumaragasang tubig ng Balang Falls? Ano ang nasa ilalim ng malawak na lupain ng Isarog? Sa iba’t-ibang butas, sa malakas na agos ng ilog, sundan ang landas na nagsisimula sa gubat patungo sa mga tahanan.
 
Samahan si Kara David sa paglakbay sa pitong talon ng Mt. Isarog. Mapapanood ang “Yaman ng Isarog” ngayong Sabado (October 10, 2015), pagkatapos ng Celebrity Bluff. Bisitahin ang official I-Witness Facebook Account: IWitnessGMA para sa mga litrato ng pinakabagong adventure ng I-Witness team. Para sa mga komento, i-tweet si Kara David, @karadavid at I-Witness, @IWitnessGMA.
 
 

 
English version:
 
 
At the center of Camarines Sur rises a quiet volcano. Since its last eruption centuries ago, it has gifted Bicolanos with a biodiversity like no other. Abundant with hot springs and dense forests, this volcano is home to many species of birds and endemic mammals. This is Mt. Isarog--- and it holds secrets to Bicol’s past.
 
What hides behind the thick curtain of water in Mt. Isarog’s Balang Falls? What lies under this expanse? Into burrows, through fast and hard rapids, follow the trail of the wild that leads to people’s homes.
 
Join Kara David and her team as they traverse seven falls in the tropical rainforest of Mt. Isarog on I-Witness this Saturday after Celebrity Bluff. 
 
(For behind the scene photos of their adrenaline-pumping adventure, visit the official I-Witness Facebook account: IWitnessGMA. For comments, tweet Kara David, @karadavid and I-Witness, @IWitnessGMA. )