Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Malatapay,' dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo, ngayong Sabado sa 'I-Witness'
“MALATAPAY”
Dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo
September 19, 2015
“Beast of burden” kung tawagin ang mga kalabaw. At para sa mga magsasaka, ang mga kalabaw ang maituturing nilang katuwang sa mga gawaing bukid. Bilad sa araw at ulan, hindi biro ang pag-aararo lalo pa kung walang kalabaw na aako sa bigat ng bawat hakbang. Kaya naman maituturing na napakalaking sakripisyo para sa isang magsasaka ang magbenta ng kanyang kalabaw.
Si Gerry, may pitong anak, nagtatanim ng mais sa isang inuupahang lupa sa Zamboanguita, Negros Oriental. Dahil elementarya lang ang inabot nilang mag-asawa, napakalaking bagay sa kanila na ang anak na nasa Davao ay makatapak sa kolehiyo. Mahirap man, nagdesisyon ang mag-asawa na ibenta ang kaisa-isang kalabaw para pang matrikula ng anak. Pero hindi pala ito ganun kadali, dahil kailangan niyang ibaba sa bayan ang alagang kalabaw at makipagsapalaran sa pinakamalaking bentahan ng mga hayop sa buong kabisayaan.
Ngayong Sabado sa I-Witness, dadalawin ni Sandra Aguinaldo ang makulay na mundo ng Malatapay Livestock Market. Mapapanood ang I-Witness pagkatapos ng Celebrity Bluff.
English version
People refer to carabaos as beasts of burden. And why not? It’s a nickname well-deserved as carabaos are every farmer’s indispensible partner in the field. Under the scorching sun or a heavy downpour, these beasts forge on easing the burden of their masters tilling the land. It is not difficult to imagine what a huge sacrifice it is for a farmer to sell his carabao.
Gerry, who has seven children, is a corn farmer in piece of rented land in Zamboanguita, Negros Oriental. He and his wife only reached elementary that is why it is very important for them that the daughter in Davao gets to enroll in college. Though difficult, they decided to sell their only carabao to pay for her tuition. But selling a large animal is not easy. He needs to transport his carabao to town, compete with other sellers and haggle with the different cattle buyers in the largest livestock market in the Visayas region.
This Saturday on I-Witness, Sandra Aguinaldo visits the colorful and lively world of the Malatapay Livestock Market.
More Videos
Most Popular