Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Bulaw,' dokumentaryo ni Howie Severino, ngayong Sabado sa 'I-Witness'



“BULAW”
Dokumentaryo ni Howie Severino
August 29, 2015

Sa pinaniniwalaang tahanan ng mga buwaya sa Ilog Agusan matatagpuan ang malayo at palutang-lutang na komunidad ng isang tribong may isang naiibang miyembro.
 
Ang tawag sa kaniya’y Bulaw, isang 13 taong gulang na batang albino na pumupukaw ng misteryo at paghanga mula sa komunidad niyang Manobo.  May ilang paniniwala na isa siyang diwata o ‘di kaya’y anak ng araw.
 
Subalit nais lamang niyang maging isang normal na dalaga sa isang kulturang naniniwala sa mga rituwal at mahika.
 
Pinapasok na ng makabagong mundo ang liblib ng pamayanang ito.  Dumating na ang mga kaunaunahan at bagong mga computer sa kanilang paaralan na maaaring magmulat sa makabagong kaalaman—kaalaman na sa ‘di kalauna’y magsisiwalat ng katotohanan sa kondisyong pangkalusugan ni Bulaw na higit pa sa isang paniniwalang dulot ng mahika.  Sa katunayan, si Bulaw pa nga ang presidente ng kanilang klase at tulad ng ibang mga bata, mayroon din siyang mga ambisyon ng isang estudyanteng may potensyal.
 
Sa bisperas ng ika-13 kaarawan ni Bulaw magaganap ang isang kakaibang kumpetisyon ng mga dalaga na halos kasing-edad lamang niya.  May gagampanan ding papel si Bulaw subalit ito’y naiiba sa ibang mga dalaga.
 
Isa itong babala sa kinakaharap na panganib ng kanilang sinaunang tribo, at maaaring sinag rin ng pag-asa na ang makabagong kaalaman at pag-uugali ang maaaring makapagligtas.
 
Mapapanood ang dokumentaryong ito ni Howie G. Severino ngayong Sabado, Agosto 29, sa I-Witness, pagkatapos ng Celebrity Bluff.



English version

On the crocodile waters of the Agusan River floats a faraway tribal community with an uncommon member.

 

She is called Bulaw, a 13-year-old albino girl who evokes mystery and even awe in her Manobo community. Some think she is a diwata or a child of the sun.

 

But she just wants to be a normal teenage girl in a culture that believes in rituals and magic.

 

The modern world is butting into this enclosed community. The first computers have arrived in the school, opening up fresh vistas of knowledge that may soon include the revelation that Bulaw's physical appearance has more to do with a medical condition than with magic. She is actually the president of her class and has the typical worldly ambitions of a promising student.

 

On the eve of Bulaw's 13th birthday is a bizarre competition among the girls around her age in the community. Bulaw has a role too, but it is different from the other girls'.

 

It's a warning of the dangers facing their ancient tribe, and at the same time a ray of hope that new knowledge and values can save it.