Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Magpakaligaw sa Minalungao,' dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo, ngayong Sabado sa 'I-Witness'
“MAGPAKALIGAW SA MINALUNGAO”
Dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo
August 22, 2015
Sa bayan ng Gen. Tinio sa Nueva Ecija, may isang lugar na patuloy na umaakit ng mga bisita…ito ay sa kabila ng mga misteryosong kuwentong umiikot sa mga taga roon.
Ang Minalungao National Park ay halos dalawang libong ektaryang lupain sa paanan ng Sierra Madre. Ang ilog at nagtataasang mga bato, nagpapaalala sa ilan sa El Nido, Palawan. Pero pinaniniwalaang mahigit pitumpu na ang namatay sa ilog na ito, tatlo ngayong taon pa lang. Maliban sa ilog, madalas ding puntahan ang mga kuweba ng Minalungao. Isa sa pinakasikat ang kuwebang may ugat ng balite sa loob pero wala pang nakakakita o nakakaalam kung nasaan ang puno nito. Kasama ang ilang mga batang nagsasanay bilang tour guide, papasukin ni Sandra Aguinaldo ang misteryosong kuwebang ito. Ano kaya ang naghihintay na adventure sa loob?
Ngayong Sabado, abangan ang mas pina-agang I-Witness sa GMA-7.
English version:
In the town of Gen. Tinio in the province of Nueva Ecija, lies a place that continues to attract visitors despite the mysterious stories surrounding the place.
Minalungao National Park stretches to almost two thousand hectares of land at the foot of Sierra Madre. It’s reminiscent of El Nido, Palawan---with its majestic limestone cliffs and river. But it is believed that more than seventy people have died in that river, three of them only this year. Aside from the river, visitors also frequent the many caves in the park. One of the most famous is the cave that has the root of a balite tree, and yet no one has seen the tree itself. Together with several children training as child guides, Sandra Aguinaldo explores this mysterious cave. What adventure lies for her inside?
Starting this Saturday, I-Witness will be seen at an earlier timeslot on GMA-7, right after Celebrity Bluff and before To The Top.
More Videos
Most Popular