Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'The Emergency Room,' dokumentaryo ni Jay Taruc, ngayong Sabado sa 'I-Witness'






“THE EMERGENCY ROOM”
Dokumentaryo ni Jay Taruc
August 15, 2015
 
Kung may maituturing man na pinakaabala at pinakamagulong lugar sa mundo, ito ay ang emergency room ng isang ospital. Bukas sa mga pasyente bente-kuwatro oras kada araw, saksi ito sa mga paghihirap ng mga pasyente - maging ang kamatayan at pagkabuhay matapos ang pakikipaglaban sa kritikal na kondisyon.
 
 
Sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, ang mataong ER ay pangkaraniwan na. Napalilibutan ang ospital ng pinakamahihirap sa lahat ng mahirap sa Maynila gaya ng mga taga-Baseco at Parola sa Tondo, Sa katunayan, ang ER dito ay laging puno at umaabot pa ng ilang oras bago mabigyan ng lunas ang mga pasyente.
 
Susundan ni Jay Taruc ang mga pangyayari sa loob ng Emergency Room at aalamin ang mga pinagdadaanan ng medical team habang nililigtas nila ang buhay ng mga pasyente nang walang pinipili ---- mula sa isang sanggol hanggang sa isang suspek ng krimen . 
 

 
English version
 
One of the busiest and most chaotic places in the world is the emergency room of a hospital. Open 24/7, this room has seen countless deaths, human suffering and survival of individuals who went through life-threatening situations.
 
In the Philippines, an emergency room, especially those of government hospitals, is never without a patient.
 
For the Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, surrounded by the communities of Baseco and Parola in Tondo, it is no different. A crowded ER is a common sight.
 
Join Jay Taruc as he takes you inside the ER to see how a team of doctors and nurses try their best to save lives, be they a baby or a crime suspect, with no prejudices.