Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Slaughterhouse,' dokumentaryo ni Kara David, ngayong Sabado sa 'I-Witness'




“SLAUGHTERHOUSE”
Dokumentaryo ni Kara David
August 8, 2015


Puno ng hiyaw at ng nakaririnding iyak. Dito, ang malakas ang nanaig. Dito, ang buhay ay nasa kamay ng iilan. Hindi ito lugar para sa maselan. Puno ng dugo, pawis, luha at dumi. Ito ay isang katayan. At dito kung saan namumugad ang kamatayan, nakilala ni Kara David sina Raymond (12 years old) at Makmak (16 years old).
 
Doble ng timbang ni Raymond ang mga baboy na pinapastol niya, at hindi biro ang lupon ng bituka na kailangan niyang linisin. Samantala, sa mga kamay ni Makmak, 'di na mabilang ang mga baboy na kaniyang nakatay.  Hindi man aral sa paaralan, nag-aaral siyang maging matadero sa katayan. Dito, sa lugar ng kamatayan, may buhay para kina Raymond at Makmak.
 
Mapapanood ang “Slaughterhouse” sa I-Witness (GMA 7) ngayong August 8, 2015, pagkatapos ng To The Top. Para sa mga komento, i-tweet si Kara David, @karadavid at I-Witness, @IWitnessGMA.



English version:

In a place where only those with strong stomachs can endure, where the reeking stench of slaughter is overpowering and the sound of death can be haunting… Thsi is where I-Witness documentarist Kara David found 12-year-old Raymond and 16-year-old Makmak.
 
Raymond, barely five-foot tall, handles pigs double his weight and cleans up their guts. Makmak meanwhile is a butcher-in-training. This slaughterhouse is where the two boys do their day’s labor; in this house of death, their lives begin.
 
Watch “Slaughterhouse” on I-Witness (GMA 7) this August 8, 2015, after To The Top. For comments, tweet Kara David, @karadavid and I-Witness, @IWitnessGMA.