Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Ang Lihim ni Lola,' a documentary about a comfort woman's secrets during the war, this Saturday on 'I-Witness'




“ANG LIHIM NI LOLA”
Dokumentaryo ni Howie Severino
AUGUST 1, 2015
 
?70 years after the end of World War II, Howie Severino and his team search for untold war stories. What they found in Iloilo is a love for the enemy that overcomes wartime hatreds.??It was a quiet yaya's life in Iloilo for Lourdes Sequio Divinagracia, taking care of the three small children of Japanese migrants. Then the Japanese invasion of World War II came, tearing their lives apart.
 
?Lourdes would be forced into sex slavery as one of thousands of comfort women all over Asia servicing Japanese soldiers.??

Her civilian employer Tokumori Miyasato would be conscripted into the brutal Japanese Army as an interpreter. Miyasato would lose his life towards the end of the war following the earlier death of his wife Uta who passed away while giving birth to one of their children.??

When Lourdes escapes from her captors, she returns to their home and finds her three young wards aching for parental comfort. Orphaned by the war, the three Japanese kids are adopted and raised by Lourdes in harsh conditions that persisted to this day.

??Howie and his documentary team go to Iloilo to meet Lourdes and the only surviving Japanese orphan. What they discover is a tale of survival that no one else had ever heard before.??



Filipino version:
 
Makalipas ang 70 taon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pasipiko, hinanap ni Howie Seveirino at ng kaniyang documentary team ang mga natatagong kuwento ng digmaan. Ang kanilang natagpuan sa Iloilo ay kuwento ng isang pag-ibig para sa kalaban na sumupil sa mga nagngangalit na damdamin noong panahon ng giyera.
 
Mapayapa ang buhay ni Lourdes Sequio Divinagracia noon bilang isang yaya na nag-aalaga sa tatlong migranteng batang Hapones sa Iloilo.  Nang maganap ang pananakop ng mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, napaglayo ang kanilang mga buhay.  Pinuwersa si Lourdes na maging babaeng parausan gaya ng libo-libong pang mga comfort women sa Asya na nagsisilbi sa mga sundalong Hapon.
 
Ang kaniyang sibilyan na amo na si Tokumori Miyasato ay sapilitang ginawang kasapi sa brutal na Hukbong Sandatahan ng Hapon bilang isang interpreter.  At winakasan ang kaniyang buhay sa pagtatapos ng giyera. Ang kaniyang kabiyak na si Uta ay una nang namatay sa panganganak.
 
Nang makatakas si Lourdes mula sa mga Hapon, bumalik si Lourdes sa tahanan ng kaniyang amo at natagpuan ang tatlong batang Hapon na nangungulila sa pag-aaruga ng magulang. Matapos maulila dahil sa giyera, inampon ni Lourdes ang tatlong batang Hapon at pinalaki sa isang masalimuot na kondisyon na walang ipinagbago hanggang sa kasalukuyan.
 
Pumunta si Howie at ang kaniyang documentary team sa Iloilo upang makilala si Lourdes at ang nag-iisang nabubuhay niyang ampon na Hapon.  Ang kanilang natuklasan ay isang  natatanging kuwento ng pakikipagsapalaran para sa buhay na hanggang ngayon ay wala pang sinuman ang nakaaalam.