Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

'Tiis-Ganda', dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo sa 'I-Witness'




“TIIS-GANDA”
Dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo
July 25, 2015


Ilang beses sa isang linggo, nagtitipon sa isang madilim na gym sa Quezon City ang grupo ng mga naggagandahan at matatangkad na babae.  Nakasuot ng mga bikini at high heels, pinaghihirapan nilang magawa ang “duck walk” - isang pagsasanay para matutong lumakad tulad ng mga beauty queen.

Sakripisyong matatawag ang pagsasanay sa boot camp na ito dahil madalas nagsisimula ang training ng alas-siyete ng gabi at natatapos ng ala-una ng madaling araw. Kahit sinong babae na nagkapagsuot na ng high heels ay makapagpapatunay na ang paglalakad, lalo pa ang pag-exercise gamit ito, ay nagbibigay ng matinding sakit hindi lang sa paa kundi sa buong katawan. Sa kabila nito, patuloy ang pagdating ng mga babaeng handang tiisin ang hirap para makamit ang koronang pinakaaasam.

Si Joy Demura, labingwalong taong gulang, ay isa sa pinakabago sa boot camp.  Nanggaling pa siya ng Aklan kung saan siya nadiskubre ng isang makeup artist habang nagbebenta ng souvenir sa Boracay Island. Sa taas niyang 5 feet at 9.5 inches, hindi mahirap isipin na maaari nga siyang maging isang beauty queen balang araw. Pero ang daan patungo sa korona ay hindi magiging madali para sa kanya. Hirap pa siyang gawin sa ngayon ang simpleng exercises sa boot camp. Madalas, makikita ang sakit sa kanyang mukha pero mabilis niya itong binubura at pinapalitan ng determinasyon. Marahil, naiisip niya ang pamilyang naghihirap at umaasang magtatagumpay siya para maiahon sila sa kahirapan.

Di tulad ni Joy, si Crystal Alday ay beterano na ng mga lokal na beauty pageant. Hindi ito ang una niyang pagkakataong sumali sa boot camp pero determinado siyang magsanay ng mas matindi para makapasok sa Binibining Pilipinas. Aniya, ito na ang huli niyang pakikipagsapalaran dahil manalo o matalo man, tatalikuran na niya ang mga beauty pageant para maging isang flight attendant.

Ngayong Sabado sa I-Witness, kikilalanin ni Sandra Aguinaldo ang mga babaeng handang magsakripisyo makamit lang ang korona.  Abangan ang “Tiis-Ganda” sa GMA 7, pagkatapos ang Celebrity Bluff.



English version:

Several nights a week, a group of tall, beautiful women gather at a dark gym in Quezon City.  Clad in bikinis and high heels, they sweat it out doing the duck walk — a necessary exercise to learn how to walk like a beauty queen.

The rigorous training puts a toll on these aspiring beauty pageant contestants as the boot camp often begins at 7 PM and ends at 1 AM.  As any girl who has worn stilettos would know, walking for hours in those shoes, much less perform any kind of exercise in them, means pain. And yet night after night they come, enduring the seemingly torturous experience in the hope of winning the crown.

Joy Demura is 18 years old and is a newbie in the boot camp. She came all the way from Aklan where she was spotted selling souvenirs in Boracay Island by a celebrity makeup artist. Standing at a towering five feet and nine and a half inches, it is not difficult to imagine her wearing a crown on her head someday. But her journey to the crown will not be easy as she struggles with performing even the most basic exercises. Often, her face grimaces in pain but is quickly replaced by a determined expression. Likely she is reminded of her family back home, ridden in poverty and all rooting for her to succeed and make life better for all of them.

Unlike Joy, Crystal Alday is a veteran of local beauty pageants. It is not her first time to join the boot camp but is bent on training more extensively to qualify for the Binibining Pilipinas pageant in a few months. This is her last go at it she says. Win or lose, she will be leaving the beauty pageant business to pursue a career as a flight attendant.  

This Saturday on I-Witness, Sandra Aguinaldo discovers the world of the women who are willing to suffer for beauty…and the crown. “Tiis-Ganda” airs on GMA 7, after Celebrity Bluff.