Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Ang Lihim ng Dumanjug,' dokumentaryo ni Kara David, ngayong Sabado sa 'I-Witness'




“ANG LIHIM NG DUMANJUG”
Dokumentaryo ni Kara David
July 11, 2015


Deka-dekada na ang lumipas ngunit laman pa rin ng mga bulong-bulungan…  Sa masukal na kagubatan, maging sa bukid o sa komunidad, marami pa ring naniniwala na may mga natatagong yaman ang mga Hapon sa teritoryo ng Pilipinas.

Malaki ang pag-asa ni Benjamin Alpetche, isang treasure hunter, sa mga marka sa kuweba ng Dumanjug, Cebu. Ang mga markang ito ang magtuturo raw sa kanya sa ginto at iba pang yaman. Sa katunayan, patunay raw ang nadiskubreng espada sa komunidad na hindi malayong makadiskubre pa ng ibang bagay dito.

Sasama si Kara David at ang kaniyang team sa pagtuklas ng mga mapanganib na yungib ng Dumanjug. Mahirap ang daanan ng kuweba. Ngunit ano nga ba ito noong panahon ng Hapon?
Mapapanood ang “Ang Lihim ng Dumanjug” sa I-Witness (GMA 7) ngayong July 11, 2015, pagkatapos ng Celebrity Bluff. Para sa mga komento, i-tweet si Kara David, @karadavid at I-Witness, @IWitnessGMA.



English version:

Decades have passed but speculations remain. In dense forests, farmlands and even residential areas, there are those who still believe that Japanese treasures are hidden in Philippine territory.

In Dumanjug, Cebu, Benjamin Alpetche, a self-proclaimed treasure hunter, puts his hopes on a cave with some markings. These could lead him to gold and other treasures, he says. And considering the unearthing of a sword within the community, the odds could be in his favor.  Kara David and her team join the treasure hunter as he explores the perilous chambers of a Dumanjug cave. The trail is no easy feat. But what can it tell about Dumanjug’s Japanese past?

Watch “Ang Lihim ng Dumanjug” on I-Witness (GMA 7) this July 11, 2015 after Celebrity Bluff. For comments, tweet Kara David, @karadavid and I-Witness, @IWitnessGMA.