Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs
'Nay, Anay!', dokumentaryo ni Howie Severino, ngayong Sabado sa 'I-Witness'

“‘NAY, ANAY!”
Dokumentaryo ni Howie Severino
MAY 2, 2015
Isa sa mga pinaka mapanirang nilalang ng kalikasan ang madalas pumapasok sa ating tahanan nang hindi natin namamalayan.
Tulad na lang ng nangyari sa bahay ng magtatahong si Joban Corpuz. Nasa bingit ng tuluyang pagguho ang kaniyang tirahan dahil sa anay, kung kaya kinailangan na nila itong lisanin. At sa paglipat ng kaniyang pamilya sa isang barong-barong, nadiskubre niyang teritoryo rin pala ng mga anay ang kanilang mga katabing bahay.
Halos buong Pilipinas ay nahaharap sa mapanirang puwersa ng mga anay, mga maliliit na insektong naninirahan sa maalinsangang kapaligiran. Mula sa mga mamahaling piano hanggang sa mga puno ng mangga, malawak ang teritoryong pagpipilian ng mga anay.
Sinuri't kinilala nina Howie Severino at ng kaniyang I-Witness team ang mga gutom na gutom na hukbo ng mga anay. Gumamit sila ng isang espesyal na kamera upang mas maipakita ang mga ito sa kanilang natural na ginagalawan.
Sa kanilang paglalakbay, ginalugad nila ang misteryosong kaharian ng mga anay na tinatawag na "punso", at nakilala nila ang mga taong kumukuha nito para gumawa ng isang kilalang pagkaing Pinoy.
Panoorin ang “‘Nay Anay!” ngayong Sabado sa I-Witness, pagkatapos ng Celebrity Bluff, sa GMA 7.

English version
One of nature's most destructive forces sneaks into your home to ruin it before you realize you have to flee.
Taho vendor Joban Corpuz's home in Bataan was on the verge of collapse from termite infestation when he evacuated his large brood. Moving to a relative's shanty, he discovers that his new neighborhood is also a termite haven.
Nearly the entire Philippines faces the ruinous power of termite hordes---tiny insects that thrive in our tropical environment. From precious pianos to mango orchards, the termite diet is vast and vulnerable.
Howie Severino's I-Witness team gets up close and personal with ravenous armies of termites, and uses a special camera to show Philippine termites as they've rarely been seen before.
In their travels, the team explores fields of mysterious termite mounds, called "punso," and meet people who use the soil from the mounds as a secret ingredient in a common delicacy.
Catch this Saturday’s I-Witness, "‘NAY, ANAY!", after Celebrity Bluff on GMA 7.
More Videos
Most Popular