Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Ang pagkain at kultura ng Espanya, tutuklasin ni Jay Taruc sa 'I-Witness'
“VAMOS A COMER!”
(Let’s Eat!)
Dokumentaryo ni Jay Taruc
April 25, 2015
Sa loob ng mahigit tatlong daang taon ng pananakop, naibahagi ng Espanya sa atin ang kanilang kultura at tradisyon, partikular ang relihiyon at pagkain.
Inikot ni Jay Taruc at ng kanyang I-Witness team ang mga bayan ng Madrid, Avila, Segovia, Valladolid, Melide at Zamora upang hanapin ang pinag-ugatan ng mga lutuing patok na patok sa atin.
Alamin ang paboritong restaurant ng ating ang pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal sa Madrid noong panahon na nag-aral pa siya sa rito. Ang restaurant na ito, hanggang ngayon ay naghahain pa rin ng mga putahe na nakahiligang kainin noon pang panahon ni Rizal. Nadiskubre rin ni Jay Taruc na sa isang kalye sa Madrid, makikita ang isang bantayog na replika ng monumento sa Luneta.
Sa Segovia naman, ang cuchinillo, isang bersyon ng ating lechon de leche, ang pinagkakaguluhan sa isang restaurant. Dahil na rin ito sa kakaibang ritwal na ginagawa ng may-ari sa lechon bago ito ihain.
Ang pagkilala sa pinagmulan ng ilan sa ating kultura at panlasa ngayong Sabado sa I-Witness. Mapapanood ang I-Witness sa GMA 7, pagkatapos ng Celebrity Bluff.
More Videos
Most Popular