Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Homeless Golden Gays,' dokumentaryo ni Jay Taruc, sa mas maagang 'I-Witness'
Homeless Golden Gays
I-Witness
Sabado, Pebrero 14
pagkatapos ng Celebrity Bluff sa GMA-7
Tatlong taon na ang lumipas nang isara “Home for the Golden Gays," isang tahanan para sa mga may edad na bakla. Namatay kasi ang founder nito na si Justo Justo. Ang ilan sa mga kinupkop dito, napilitang mamuhay na naman sa kalsada.
Gaya na lamang ni Federico o "Rica" na sa maliit na espasyong tambakan ng gamit na nakatira ngayon. Nagkaroon siya ng trabaho bilang street sweeper. Hanggang sa kasalukuyan hindi matanggap ni Rica ang pagkamatay ng kanyang ina, na hanggang sa huli ay hindi natanggap ang kanyang pagiging bakla.
Ang walumpung taong gulang na si Noehlito naman, kinupkop ng isang pamilya na nakatira sa isang maliit na barong barong. Para suklian ang kanilang kabutihan, nangangalakal siya sa umaga at nagtitinda ng sigarilyo sa gabi para may pandagdag sa pagkain ng pamilya. Ayon kay Noehlito, dito siya nakahanap ng tunay na pagmamahal na hindi nya nakuha sa sariling pamilya.
Mapait man ang kapalaran, umaasa pa rin ang golden gays na mayroon pang liwanag na naghihintay sa kanilang madilim na bukas.
Samahan si Jay Taruc sa isa na namang natatanging kuwento ng pag-ibig at pagsubok sa I-Witness ngayong darating na Sabado pagkatapos ng Celebrity Bluff.
More Videos
Most Popular