Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Nanay', dokumentaryo ni Mariz Umali para sa 'I-Witness'




“NANAY”
Dokumentaryo ni Mariz Umali
January 10, 2015

Wala raw hihigit pa sa pagmamahal ng isang nanay. Nanay ang unang tagapag-alaga, unang tagapagtanggol; siya ang unang magsasakripisyo alang-alang sa anak. Lahat ng hirap, titiisin ng ina dahil ang anak ay isang biyaya. Ngunit paano kung ang anak ay may medikal na kondisyon na kailangan ng espesyal na pag-aaruga?
 
Sa isang bahay sa Rodriguez, Rizal, nakatira ang mga batang iniwan ng kanilang mga nanay. Sila’y may kapansanan at malulubhang sakit, at walang pamilyang mag-aaruga. Dito sa bahay na ito, hindi nila kadugo ang kanilang “nanay”.
           
Ngayong Sabado, samahan si Mariz Umali na mamuhay sa Cottolengo, isang institusyon para sa mga batang abandonado. Kilalanin ang mga nag-aalaga, nagtatanggol at nagsasakripisyo para sa mga batang hindi nila isinilang. Kilalanin sila Edna, Diding at Helen, mga ilaw ng tahanan sa mga batang pinagkaitan ng pagmamahal ng ina.
 
Mapapanood ang “Nanay” sa I-Witness (GMA7), ngayong Sabado (January 10), pagkatapos ng Celebrity Bluff. Para sa mga komento, i-tweet si Mariz Umali (@marizumali) at ang I-Witness (@IWitnessGMA), at gamitin ang hashtag #IWitness15.