Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Mga Agta ng Peñablanca,' dokumentaryo ni Kara David, ngayong Sabado sa 'I-Witness'
“MGA AGTA NG PEÑABLANCA”
Dokumentaryo ni Kara David
October 4, 2014
Ang mga Aeta ang mukha ng sinaunang tao ng Pilipinas. “Ita”, “baluga”, “pugut” kung sila ay tawagin ng ilan at kadalasan, ang tingin sa kanila’y atrasado at di sibilisado. Ngunit lingid sa karamihan, magkakaiba ang pagkakakilanlan ng mga Aeta sa bansa at sila’y hindi nakakahon sa gunita ng nakaraan. Ngayong Sabado, makikilala ni Kara David ang isang grupo ng Aeta sa bundok ng Cagayan Valley- ang mga Agta ng Peñablanca.
Ang mga Agta na dati’y walang permanenteng tirahan, ngayo’y matatagpuan sa liblib na Sitio Buyag. Malayo man sa “kabihasnan”, nakibagay ang kanilang grupo sa paglipas ng panahon. Ngunit may mga sinaunang kagawiang nananatiling mahusay ang mga Agta: ang paghuli ng hayop at pagkalap ng mga makakain mula sa kanilang paligid. Ang kanilang sikat na huli? Mga igat sa ilog ng Pinacanauan.
Gamit ang pana at flashlight, sisisid si Kara David kasama ng mga Agta ng Peñablanca upang manghuli ng mga igat na nagtatago sa mga siwang, sa dilim. Araw at gabi, ang mga Agta’y sumisisid…ngunit para kanino?
Mapapanood ang “Mga Agta ng Peñablanca” sa GMA 7 ngayong October 4, 2014,10:30pm, pagkatapos ng Celebrity Bluff. Para sa mga komento, i-tweet si Kara David, @karadavid at I-Witness, @IWitnessGMA.
More Videos
Most Popular