Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

'Public Enemy No.1' dokumentaryo ni Howie Severino ngayong Sabado sa 'I-Witness'


“PUBLIC ENEMY NO. 1”
Dokumentaryo ni Howie Severino
August 23, 2014



Olongapo's serial killer struck in 2013 at the height of the city's worst flooding in its recorded history.

But it wasn't the neck-high waters that killed nearly a dozen people. It was the deadly urine of rats, which made the flooded city a cauldron of leptospirosis bacteria.

The city has since put a bounty on rats, offering money in exchange for any rats brought to the city center and triggering a killing spree aimed at one of world history's most dreaded pests. 

But are these creatures the real culprits, or have they just gotten a bad rap from humans in search of scapegoats?

Howie Severino and his team report from the frontlines of the war against rats, meet bounty hunters, executioners, and eventually, the rare individual who finds rats lovable and affectionate creatures, and keeps them as pets.

“Public Enemy No. 1” airs this Saturday in I-Witness, after Celebrity Bluff.

Filipino version:

Nambiktima ang serial killer ng Olongapo sa kasagsagan ng pinakamalalang  baha roon noong 2013. 

Pero hindi ang lagpas-taong baha ang nakapatay sa halos isang dosenang katao, kundi ang ihi ng mga daga.  Tila naging lason ang baha dala-dala ang leptospirosis bacteria mula sa ihi ng mga daga.

Nitong Agosto, ginawa nang “Wanted” ang mga daga, at nag-alok ng lima hanggang sampung pisong pabuya ang lokal na pamahalaan sa sinumang makakahuli sa tinagurian nilang ‘public enemy’.

Pero silang mga daga nga ba ang salarin, o naging masama lang ang kanilang reputasyon?  Sila lang ba ang mas madaling iturong suspect sa lumalalang problema ng baha na hinaharap ng mga lungsod sa loob at labas ng Maynila?

Samahan si Howie Severino sa Olongapo para kilalanin ang mga ‘sundalo’ sa gitna ng giyera laban sa mga daga.  Sila ang mga ordinaryong mamamayan na naging ‘bounty hunter’ at ‘executioner’ ng kanilang ‘public enemy’.

Sa Maynila naman, isang natatanging karakter ang makikilala ni Howie Severino na hayagang nagmamahal sa mga daga na peste kung ituring ng marami.
 
Ngayong Sabado, kilalanin kung sino nga ba ang tunay na “Public Enemy No. 1” sa  I-Witness ngayong August 23, 2014, pagkatapos ng Celebrity Bluff.