Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Kayod Kalabaw' on 'I-Witness'


I-WITNESS : KAYOD-KALABAW
HOST : SANDRA AGUINALDO
AIRING DATE: JULY 19, 2014



“They shouldn’t underestimate us...men only do their jobs while we still have to do the laundry, cook, clean the house...it’s exhausting.”

It is true that more women are venturing into work traditionally reserved for men but they have to meet certain requirements for the job—physical strength, endurance, and ability to perform their duties even though danger looms in every corner.

Vicky, together with her 67 year-old mother gathers tanlak, a native grass that they turn ito window blinds. They go down a steep, slippery terrain to cut the 15 foot long “tanlak”. They tie them in bundles of 50 to 75 sticks and lift them back up on the same steep, slippery terrain on their backs. It is the kind of work that puts a heavy strain on men’s bodies, more so for Vicky’s 120-pound frame.

Her sacrifices have allowed her to keep her kids in college although she admits, she often arrives in their school looking unlike any mother there. Her tattered clothes and dirty fingernails tell of a brave story of a woman willing to do anything for her family.

Trina, a zookeeper in her late 20’s, takes care of different animals on a daily basis. Cleaning the tiger’s cage, feeding their cubs or restraining an 8-foot ostrich are part of the job. “I cannot afford to be scared of these animals”, she says, I have a child who depends on me”.

This Saturday on I-Witness, Sandra Aguinaldo shares the burdens of these women as they take it upon themselves to shed the restrictions imposed on them by society. “Kayod Kalabaw” airs after Celebrity Bluff on GMA. 
 
FILIPINO TRANSLATION

“Hindi nila kami dapat ina-underestimate...ang lalaki, trabaho lang nila ang ginagawa nila samantalang tayo naglalaba, nagluluto, naglilinis ng bahay...nakakapagod."

Totoong marami nang babae ang pumapasok sa mga gawaing kalimitang naka reserba lang sa mga lalaki, pero kailangan pa rin maibigay ang mga pangangailangan ng trabaho—lakas ng katawan, kakayahang tumagal sa kabila ng hirap at abilidad na makagawa kahit may nakaambang peligro.

Si Vicky, kasama ang kanyang 67-anyos na ina ay naggagapas ng damo na tinatawag na tanlak na ginagawang blinds para sa bintana. Bumababa sila sa madulas at matarik na bangin para makakuha ng mga tanlak na may habang 15 pulgada. Kapag nakaipon na ng 50 hanggang 75 piraso, itinatali nila ito at habang nakapatong sa balikat, dahan-dahan nilang inaakyat mula sa madulas at matarik na bangin.

Bugbog ang katawan, isa itong uri ng trabahong mahirap para sa isang lalaki, lalo pa para sa isang babae maliit ang pangngatawan.

Dahil sa kanyang mga sakripisyo, nakapag-aaral sa kolehiyo ang kanyang mga anak. Pero madalas, kapag dumarating daw siya sa eskuwela, napansin niyang hindi siya katulad ng ibang mga ina roon. Ang kanyang mga lumang damit at maruruming kuko, mga tanda ng katapangan ng isang babaeng handang harapin ang lahat para sa kanyang pamilya.

Si Trina, 27 anyos, ay isang zookeeper na nag-aalaga ng iba’t-ibang klase ng hayop. Paglilinis sa kulungan ng mga tigre, pag-aalaga sa mga batang tigre at paghahabol sa mga dambuhalang ostrich ay parte na ng pang araw-araw niyang gawain. “Hindi ko ma-afford na matakot sa mga animals na ito, may anak akong binubuhay” sabi ni Trina.

Ngayong Sabado sa I-Witness, tutulungan ni Sandra Aguinaldo sa kanilang mga pasanin ang mga babaeng “Kayod Kalabaw”.