Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Hirap at ligaya ng malalaking pamilya, tutuklasin sa 'I-Witness'



MALAKI, MASAYA, PAMILYA
Dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo
October 14, 2013 • 11:30 PM sa GMA 7


Happy families come in all sizes.
 
According to the National Statistics Office, the average Filipino family size is 5, with 3 children for every family.  But with the ballooning population of 92 million, we often ask, isn’t it better to have a smaller family?
 
I suppose the answer is, it depends. Obviously not all families can afford to have a big one, or for some, not even one child. But for those who choose to have a large family, they would likely say, the sacrifices are all worth it. 
 
For sure clothes and toys get passed around from one child to the next, meals are all too often a small catering event and the constant noise will always be, well...constant.
 
The cost of raising a big family is also often talked about and even middle-income earners would agree, money wouldn’t be tight if they had 2 instead of 7. 
 
The Junio household comprises of 2 parents and 7 children—ages 21, 20, 14, 13, 4, 2, and the youngest being 2 months old. Though half of the children are grown-up, living in a 40 square meter home with 2 active toddlers and a baby can get chaotic.
 
In another part of town, the Mendoza family lives in a 3-bedroom bungalow.  All 9 children share 2 dorm-type accommodations, 2 bathrooms, and a study area that looks like a school library.  The clothes that they have accumulated are so huge that instead of closets, a whole room was dedicated to accommodate all their clothes. 
 
Asked what they tell their friends about having a big family, 20 year-old Mari says, “we are rich in love”. 

Parents of both families agree, it’s not easy raising many kids but both work hard to send the children to private schools. Both try to give their children the best life they can afford.
 
This Monday on I-Witness, Sandra Aguinaldo discovers the “happy chaos” of living in a large family.

Filipino version:
Ang pamilya, pwedeng maging masaya, gaano man ito kalaki.  

Ayon sa National Statistics office, ang karaniwang pamilyang Pilipino  ay may limang miyembro na mayroong tatlong anak. Pero habang patuloy na lumulobo ang populasyon ng bansa na tinatayang nasa siyamnapu’t dalawang milyon na, madalas na tinatanong, hindi ba’t mas mabuting maliit lang ang iyong pamilya?
 

Ang sagot dito ay, depende.  Hindi lahat ng magulang ay kayang bumuhay ng maraming anak. Ang iba nga, kahit iisa, hirap pa. Pero para sa mga mag-asawang piniling magkaroon ng malaking pamilya, malamang sasabihin nila, sulit naman ang lahat ng mga sakripisyo nila.
Ang mga damit ng mga anak, kadalasan, pinagpapasa-pasahan at minamana ng mas nakababatang kapatid. Bawat hapunan, tila maliit na handaan. At ang ingay, walang humpay.
 
Magastos talaga ang magkaroon ng maraming anak. Kahit sa mga mag-asawang kumikita ng sapat, aaminin nila, hindi sana gipit kung may dalawa lang sila sa halip na pito.
 
Sa bahay ng mga Junio naninirahan ang mag-asawa kasama ng kanilang pitong anak na ang mga edad ay 21, 20, 14, 13, 4, 2 at ang bunso naman, dalawang buwan lamang. Kahit malalaki na ang kalahati na sa mga anak nila, kapag nagsisiksikan na sila sa bahay na may sukat na apatnapung metro kuwadrado lang, tiyak, magulo ito. 
 
Ang pamilya Mendoza naman ay naniniran sa isang bahay na may tatlong kuwarto. Siyam na anak ang naghahati sa dalawang kuwarto na tila dormitoryo, may dalawang banyo, at  may silid-aklatan. Sa dami nila, hindi aparador kundi isang buong kuwarto ang nakalaan sa kanilang mga damit. 
 
Kapag tinatanong ng mga kaibigan tungkol sa kanilang malaking pamilya, ang sagot ng dalawampung taong gulang na si Mari, “mayaman kami sa pagmamahal”.
 
Ayon sa kanilang mga magulang, mahirap talaga ang magkaroon ng malaking pamilya pero todo kayod sila para mapag-aral ang mga anak sa mga pribadong paaralan. Pareho nilang pinagsisikapan na mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak.

Ngayong Lunes sa I-Witness, tutuklasin ni Sandra Aguinaldo ang mga hirap at ligaya ng mga may malalaking pamilya.  
Tags: plug, iwitness