Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Sandra Aguinaldo enters Sagada's beautiful yet tragic cave on 'I-Witness'



I-Witness: “Kuweba ng mga Espirito”
 
Host: Sandra Aguinaldo
Executive Producer: Marilen Go-Nunez
Airing Date: September 2, 2013
 
August 18...at the height of the storm Maring, a group of tourists and their guides went inside the famous Sumaguing cave in Sagada province.  They said they heard a loud noise and then suddenly water came rushing towards them.  They shouted at each other to run to higher ground but one tourist never made it. In an instant, Irene Manaois was swept by the current, never to be seen again.
This is not the first tragedy inside the mysterious cave. In 2001, the bodies of a tourist and a guide were found floating in the water inside the cave, five days after they drowned.  
 
Despite the deaths, Sumaguing cave’s beauty continues to enchant local and foreign tourists alike. But the locals are more cautious because for them the cave is more than a tourist destination, it is a sacred burial ground. They believe the spirits of their ancestors dwell inside the cave...and some spirits have to be appeased before allowing tourists back inside it.
In the village, the elders perform rituals and prepare a feast.  Will the spirits accept the offerings of the Sagada people?
 
This Monday on I-Witness, join Sandra Aguinaldo as she gets to know the guardians of the sacred cave and the secrets that lie within.  

FILIPINO TRANSLATION:            
 
Kasagsagan ng bagyong Maring noong Agosto 18, isang grupo ng mga turista at kanilang  guide ang pumasok sa pamosong kuweba ng Sumaguing sa Sagada.  Sa kuwento nila, nakarinig sila ng malakas na tunog at maya-maya lang biglang dumating ang rumaragasang tubig. Nagsigawan silang tumakbo papunta sa mataas na lugar pero ang isa sa mga turista, hindi na kinakayang tumakbo. Sa isang iglap, nilamon si Irene Manaois ng tubig at di na muling nakita pa.
Hindi ito ang unang trahedya sa loob ng misteryosong kuweba.  Noong 2001, isang turista at kanyang guide ang nakitang lumulutang sa tubig sa loob ng Sumaguing cave, limang araw matapos silang malunod.  
 
Sa kabila ng mga insidente ng pagkamatay sa kuweba, patuloy itong nanga-akit ng mga lokal at dayuhang turista.  Pero para sa mga taga-Sagada, ang kuweba ay hindi lang pasyalan.  Ang Sumaguing cave ay sagradong libingan ng kanilang mga ninuno at dito naninirahan ng kanilang espiritu. Paniwala nila,maaring nabasag ang katahimikan ng mga espiritu at kailangan nila ng pagpapayapa.
Sa bayan, abala ang mga matatanda sa isang rituwal at mala-piyestang handaan. Tanggapin kaya ng mga espiritu ang mga alay ng mga taga-Sagada?
 
Ngayong Lunes sa I-Witness, samahan si Sandra Aguinaldo na makilala ang mga tagapag-bantay ng sagradong kuweba at tuklasin ang mga sikreto nagtatago sa loob nito.  
Tags: plug