Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

In Agusan del Sur, Banwaon datu keep the old ways


ANG MGA DATU NG MAHAGSAY”
Dokumentaryo ni Kara David
August 19, 2013

Sa masukal na gubat ng Agusan del Sur, nakakubli ang isang nayong pinagtibay ng panahon. Ito ang tahanan ng mga katutubong Banwaon, na nanatiling tapat sa kanilang tradisyon sa panahon ng modernong pamumuhay. Ito ang barangay kung saan ang datu ay may gampanin sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao. Dito, ang mga espiritu ng kalikasan ay nirerespeto at pinakikinggan. Ito ang nayon ng Mahagsay.

Ngayong Lunes, sa I-Witness, bibisitahin ni Kara David ang tribong Banwaon at makikilala ang mga datu ngMahagsay. Hindi lamang simbolo ng nakaraan ang mga datu; sila ay nagsasagawa ng mga ritwal hanggang sa kasalukuyan. At ang mga ritwal na masasaksihan ni Kara David, ay may epekto hindi lamang sa estado nila ngayon, kundi sa kinabukasan ng kanilang tribo. Ano ang mensahe mula sa mga sinakripisyong hayop? Ano ang plano ng mga Banwaon sa banta ngs hinaharap?

Mapapanood “Ang mga Datu ng Mahagsay” sa I-Witness ngayong August 19, 11:30pm pagkatapos ng SAKSI. Para sa mga komento, i-tweet si Kara David (@karadavid) at ang I-Witness (@IWitnessGMA).
 
English version
 
In the forests of Agusan del Sur, beneath the fogs that cloak it, a quaint village named Mahagsay has stood the test of time. This barangay is home to the Banwaon tribe, an indigenous group that has remained faithful to its traditions amid threats of the modern times. It is where datus (chieftains) still remain central to everyday life, where a Filipino minority still heeds the spirits of the natural world.
 
Through rough and difficult terrain, Kara David visits the Banwaon tribe and meets the datus of Mahagsay. These datus are not mere symbolic gatekeepers of their culture; they actually perform rituals. And the rituals that Kara David witnesses have a significant role not only to their present state, but also to the future of their tribe. What prophecy do the animal sacrifices reveal? How do the Banwaons deal with different threats to their culture?

“The Chieftains of Mahagsay” is an I-Witness documentary by Kara David, airing this Monday, August 19, 11:30pm after SAKSI.

For comments, tweet Kara David (@karadavid) and I-Witness (@IWitnessGMA).
Tags: plug