Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Lihim ng Lumang Tulay' ni Kara David, tampok sa 'I-Witness' ngayong gabi



“LIHIM NG LUMANG TULAY”
Dokumentaryo ni Kara David
May 20, 2013
 
Intramuros. Fort Santiago. Sari-saring simbahan, mga tore at kumbento. Sa tatlong daang taon ng kanilang pananakop, maraming itinayong mga istruktura ang mga Kastila  sa Pilipinas. Sinasabing ang espada at krus ang siyang naging paraan nila tungo sa kapangyarihan. Ngunit para marating nila ang iba’t-ibang probinsya ng bansa, isang istruktura ang naging “daan” para sa kanilang krus at espada--- ang mga tulay na bato na kanilang ipinagawa.
 
Ito ang kuwento ng mga tulay ng mga mananakop.
 
Sa tahimik na bayan ng Mahayhay, Laguna, isang tulay sa gitna ng kabundukan ang dati’y naging kontrobersyal. Dito, ikinukubli ng gubat ang mga bulung-bulungan, daang taon na ang lumipas. At doon naman sa karatig-bayan, sa Tayabas, Quezon, may mga markang nakaukit sa malalaking adobeng tulay, mga simbolong nagpapaalala sa mga nakaraan. Ano ang lihim ng mga lumang tulay na ito?
           
Samahan si Kara David na tuklasin ang iba’t-ibang kuwento ng mga tulay mula sa panahon ng mga Kastila. Mapapanood ang “Lihim ng mga Lumang Tulay”  sa I-Witness, ngayong Lunes, May 20, pagkatapos ng Saksi.

English version:
 
Intramuros. Fort Santiago. Churches, belfries and convents.  With three hundred years of colonization, the Spaniards constructed many architectural structures in the Philippines.

It is said that they conquered the country with the sword and the cross. But on their conquest, one structure paved way for its success: bridges.
           
This is the story of some Philippine bridges and its colonial past.
 
In the quiet town of Mahayhay, Laguna, a bridge stood firm amidst a controversy. Here, the lush forest silences the whispers of the past, a story more than a hundred year old. Meanwhile, in the nearby town of Tayabas, Quezon, carvings on the adobe bridge immortalize questions of the bridges’ past. What are the secrets of these old bridges?
 
Join Kara David in learning about Spanish colonial bridges in the Philippines. “Lihim ng Lumang Tulay”, an I-Witness documentary, airs on May 20, Monday, after Saksi.
Tags: excerpt