Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Minsan sa Isang Taon', dokumentaryo ni Kara David
MINSAN SA ISANG TAON Dokumentaryo ni Kara David October 8, 2012 Sa ating pang araw-araw na pamumuhay, normal na ang kumain ng tatlong beses sa isang araw. At para maging malusog ang ating katawan, kumakain tayo ng sari-saring masusustansyang pagkain. Pero hindi lahat ng pamilyang Pilipino, may kakayanang gumawa nito. Sa isang malayong barangay sa probinsya ng Saranggani, kamote ang kinakain ng isang pamilya para mabuhay. Mula umaga hanggang gabi, halos wala silang kinakain kundi ito. Pero kada taon, may espesyal na araw kung saan nagiging iba ang putaheng hinahain sa kanilang hapag kainan. Ang inaabangang araw na ito ay ang anihan at pagbebenta nila ng abaca. Bago pa man makakain ng ibang ulam, mahigit anim na oras tinatahak ni Mang Tusan ang bundok ng Saranggani para ibaba ang kanyang inaning abaca. 30 kilo ang bigat ng abaca na pinapatong niya sa kanyang ulunan. Lahat ng paghihirap ay kanyang tinitiis dahil ito lang kasi ang nag-iisang panahon at pagkakataon na maiiba ang ulam ng kanyang pamilya. Samahan si Kara David at saksihan ang isang importanteng araw ng isang pamilya sa Saranggani. Abangan ang "Minsan sa isang taon" sa I-Witness Lunes, pagkatapos ng Saksi.
---
A Filipino household normally shares three meals a day. Ideally, food should consist of a well-balanced diet so that family members are properly nourished. However, this is not always the case among Filipino families. In Sarangani's far-flung barangay, a family subsists mainly on sweet potatoes. Every day, this root crop means sustenance for Mang Tusan's family. But once a year, they get to treat themselves to a special meal ---- that is, if Mang Tusan manages to sell his abaca. Bringing his crops to the market is not an easy task. For 6 hours, Mang Tusan carries 30 kilos of abaca on his head, traversing rocky and steep mountain slopes. Catch Kara David's "Minsang sa Isang Taon" this Monday, after Saksi. Tags: pressrelease
More Videos
Most Popular