ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Sagwan', dokumentaryo ni Jay Taruc
"SAGWAN" Dokumentaryo ni Jay Taruc September 10, 2012 Ang mag-asawang Lolo Apron at Lola Gloria ay mayroong hindi ordinaryong klase ng pamumuhay. Si Lolo Apron ang namamahala sa mga gawaing bahay at nangangalaga sa mga pananim samantalang si Lola Gloria naman ang nag-aasikaso sa mga pangangailangan ng kanilang mga apo --- kabilang na rito ay ang paghatid sa kanila sa eskwelahan. Si Lola ang nagsisilbing taga-pangalaga ng kanyang apat na apo. Mula sa kanilang maliit na isla, sinasagwan niya ang kanilang bangka sa dagat ng Masbate para lamang maihatid sila sa eskwelahan. Kapag hindi maalon ang dagat, inaabot lamang sila ng isang oras. Ngunit hindi alintana ni Lola Gloria ang mga hamon ng karagatan. Bukod sa natatangi niyang pagmamahal sa kanyang mga apo, ang nag-uudyok sa kanya ay ang kagustuhan na matuto. Araw-araw ay nakiki-upo siya sa klase ng kanyang dalawang pinakabatang apo sa Grade 1. Sa loob ng dalawang taon, natutunan na rin ng mga guro na kupkupin ang ganitong hindi ordinaryong sitwasyon. Hindi kasi talaga pinapayagan sa loob ng silid aralan ang "guardians" o taga-pangalaga. Ngunit pinahintulutan na rin ng Principal ng eskwelahan si Lola Gloria na sumali sa klase para matuto. Samahan ang I-Witness ngayong Lunes, ika-10 ng Setyembre, sa paglalakbay kasama si Lola Gloria na dahil sa kanyang tapang at dedikasyon na matuto ay maituturing na inspirasyon para sa marami sa atin, ano man ang edad. English version: Husband and wife, Lolo Apron and Lola Gloria, live a not so ordinary set up. Lolo Apron sees to the errands of the house and does the planting while Lola Gloria tends to the needs of their grandchildren----including getting them to school. Lola serves as the "nanny" for her four grandchildren. From their small island, she rows for them on a boat to cross the Masbate sea to get them to school. When the waters are calm, it takes them only 1 hour. But Lola Gloria doesn't seem to mind the challenges of the sea. Aside from the love for her grandchildren, what motivates her is the need to learn. Everyday, she sits in the grade 1 class of her two youngest grandsons. For 2 years, the teachers adopts to this not so ordinary situation because "guardians" are not allowed inside the classroom. But the Principal of the school granted Lola Gloria the right to sit in the class. Watch I-Witness this Monday, September 10, as Lola Gloria inspires people of different ages with her courage and her passion to learn.
More Videos
Most Popular