Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Ang Pagbabalik sa Karagatan', a documentary by Howie Severino
"ANG PAGBABALIK SA KARAGATAN" Dokumentaryo ni Howie Severino July 30, 2012 Sa kailaliman ng hilagang silangang Pasipiko, matatagpuan ang labi ng barkong maaaring nagbago sa kasaysayan ng bansa. Naglayag mula China noong 1972, kasagsagan ng aktibismo sa Pilipinas, ihahatid dapat ng MV Karagatan ang mahigit isang libong armas para sa New People's Army. Ngunit hindi naisakatapuran ang ambisyosong plano ng NPA, at ngayon, nasa ilalim na ng dagat ang nasabing barko. Ilang buwan matapos ang insidente ng MV Karagatan, idineklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Martial Law. Ang MV Karagatan ang isa sa kaniyang naging patunay na nasa peligro ang seguridad ng bansa. Ano ang nangyari sa MV Karagatan? Makalipas ang apatnapung dekada, babalikan ni Howie Severino ang malubak na daan tungo sa Sierra Madre para hanapin ang mga kasagutan bago ito malimutan na ng kasaysayan. Sasamahan siya ni dating NPA commander at military defector na si Victor Corpus na dating inatasan para salubungin ang MV Karagatan. Samahan si Howie Severino sa kaniyang "Pagbabalik sa Karagatan" para maibunyag ang isang bahagi ng ating kasaysayan, ngayong Lunes, 11:30 pm sa I-Witness.
---
Somewhere in the depths of the Philippines' northern Pacific coast lies the wreck of a secret ship. Sailing from China in 1972, the MV Karagatan was bearing Chinese guns for the New People's Army intended to speed up the NPA's campaign to defeat the government. Things did not proceed according to plan and the ship ended up at the bottom of the sea. Then-President Ferdinand Marcos used the incident to justify his declaration of martial law that same year, 40 years ago. What happened to the NPA's ambitious plan? Four decades later, Howie Severino and his documentary team travel to the remote, roadless northern Sierra Madre to search for the boat and for answers to burning questions from history. They are accompanied by Victor Corpus, the legendary NPA commander and military defector who led the rebel force that met the ship and was assigned to receive the arms. After a journey of more than 24 hours, they finally reach the site where Corpus remembers battling the Army over the arms that the NPA badly needed. Together, Corpus and Severino search the depths for any sign of the secret ship that could have meant victory for the NPA. Join Howie Severino as he discovers one of the untold stories of our history in "Pagbabalik sa Karagatan," Monday, 11:30 pm on I-Witness. More Videos
Most Popular