Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

The secrets of Rizal's family


Episode on January 31, 2011 Monday after Saksi!
MGA LIHIM NG PAMILYA RIZAL Dokyu ni Howie Severino
Every family has its secrets, even the Rizals of Calamba, among the most important families in Philippine history. In the year that he died, 1896, Jose Rizal made his family tree. Interestingly, he left out the branches leading to his mother Teodora Alonzo. What was he trying to hide? Howie Severino and his documentary team investigate Teodora's roots in Biñan, Laguna where they find her ancestral home still standing but being demolished brick by brick. Their probe reveals stories about betrayal, children out of wedlock, family quarrels, and an attempted murder charge that landed Teodora in jail for two years when Rizal was a child. Tracking down a descendant of the family, Howie learns of another family secret that may be the most shocking of all. As this descendant said, "You don't have to come from a perfect family to become a hero." “Mga lihim ng pamilya Rizal" airs on I-Witness this Monday after Saksi.
Bawat pamilya, may sikreto, maging ang pamosong angkan ng mga Rizal sa Calamba – isa sa pinakamahalagang pamilya sa kasaysayan ng bansa. Noong 1896, bago siya namatay, isinulat ni Jose Rizal ang kaniyang family tree. Pero kulang ang mga sanga nito – mga sangang magdurugtong sa kasaysayan ng kaniyang inang si Teodora Alonzo. Ano kaya ang kaniyang itinago? Sisiyasatin ni Howie Severino at ng kaniyang I-Witness team ang pinagmulan ni Teodora Alonzo sa Biñan, Laguna kung saan makikitang nakatayo pa ang ancestral home ng pamilya. May mga nangangambang mabubuwag na ang bahay bago pa man malaman ang tunay na papel nito sa kasaysayan. Sa kanilang pagsasaliksik, matutuklasan ng grupo ang mga kuwento ng pamilya Rizal na maaaring ngayon lamang maibabahagi sa publiko. Tuklasin ang mga lihim ng pamilya Rizal ngayong Lunes sa I-Witness.