Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Handa nga ba ang Pilipinas sa oras ng sakuna?


INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES: SAK-UNA
FEBRUARY 20, 2020
HUWEBES, 8 PM SA GMA NEWS TV

Unang buwan pa lang ng taon, sinubok na ang kahandaan ng Pilipinas pagdating sa kalamidad at banta sa kalusugan.

 

Ika-12 ng Enero, sumabog ang bulkang Taal sa Batangas City. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management o NDRRMC, noong Enero 30, may halos 70,000 ang nasa 415 na evacuation center. Mahigit 60,000 pamilya naman ang nakikitira.

 

Dahil sa pagsabog ng bulkan, natabunan ng abo ang bahay nina Nenette sa Barangay Pulo, sa Talisay Batangas. Nakapaloob sa 14-kilometer danger zone ang kanilang barangay, at nasa paanan mismo ng bulkan ang kanilang bahay. Walang naisalbang gamit sina Nenette.

 

 

Sa ngayon, sa Tumaway Evacuation Center sa Talisay nakatira ang kanyang pamilya. Nasa 231 pamilya silang nakatira dito. Tatlong pamilya silang nagsisiksikan sa tent na ito.

 

Unang kwarter din ngayong taon, tatlo naman ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ang COVID-19 ang bagong strain ng coronavirus na pinaniniwalaang nagmula sa Wuhan, China. Ayon sa World Health Organization, noong Pebrero 16, nasa 51,857 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa loob ng 26 na bansa. Nasa 1,669 na ang namamatay rito.

 

Payo ng DOH, palagiang maghugas ng kamay para maiwasan ang paglaganap ng virus. Ang problema, walang maayos na supply ng malinis na tubig sa Barangay Mapaco, Guinobatan, sa Albay.

 

Gaano kahanda ang mga Pinoy pagdating sa mga sakit at kalamidad?

Manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV.