Opinyon ng mga Pilipino sa pangangaliwa
INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES: FAKEIBIG
FEBRUARY 13, 2020
HUWEBES, 8 PM SA GMA NEWS TV
Sa panahon ng no labels, no commitment, at open relationship, uso pa ba ang may paninindigan at hindi nangangaliwa?
Nagtanong kami sa ating mga Kapuso para alamin ang pagtingin ng mga Pinoy pagdating sa cheating o panloloko.
Maituturing bang cheating o panloloko kung nagpapakita ng interes sa iba ang karelasyon mo? Panloloko ba kung hindi sinabi sa iyo ng partner mo na kumain o nagkape sila ng kanyang ex? Pangangaliwa ba ang pagpapadala ng sweet messages sa hindi mo karelasyon?
May batas laban sa pakikiapid. May kasong adultery at concubinage. Kung mahuli mo ang iyong esposa o esposo na nagtataksil sa iyo, hihiwalayan mo ba? Kakasuhan?
Sapat nga bang dahilan ang pakikiapid o panloloko para sa annulment? May puwang ba ang kapatawaran sa mga nangangaliwa?
Usapang relasyon ang tampok sa February 13 episode ng Investigative Documentaries.
Manood ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV.