Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

“Filipino time”, mababago pa ba?


INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES: FILIPINO TIME
JANUARY 23, 2020
HUWEBES, 8 PM SA GMA NEWS TV

 

Wala raw puwang ang “Filipino time” sa teatro. Sa rehearsal ng bagong dulang Under my Skin, 6 PM ang rehearsal. Ang call time nila ay 5:30 PM, pero 3 PM pa lang ay nagsisimula nang dumating ang mga artista.

 

Ang oras daw ay pera para sa mga produksyon ng Philippine Educational Theater Association o PETA. May renta ang entablado, ilaw, at gamit.

 

Ayon sa People Management Association of the Philippines o PMAP, tatlo sa bawat 10 empleyado ng mga kompanya ang nahuhuli sa oras ng pagpasok kada araw. Sa isang BPO company, madalas nahuhuli ang mga empleyadong wala nang ganang pumasok o iyong matatagal na sa opisina.

Ayon sa Civil Service Commission, may ilang empleyado ng gobyerno na naparusahan dahil madalas na huli sa pasok. May parusa kasi para sa mga empleyado ng  gobyerno na habitual tardy o 10 beses sa isang  buwan nahuli sa oras ng pasok.

 


Sa Imelda Integrated Secondary School naman sa Malabon City, kinikilala ang Most Punctual Section kada linggo. Mas epektibo raw ito sa paghikayat sa mga estudyante na pumasok sa oras.

 

Ibabahagi naman ng isang taong may sakit kung gaano kahalaga ang oras.

Ang Filipino Time ba ay on time na? Paano itatama ang maling ugaling laging nahuhuli sa trabaho, pulong, o okasyon?

Manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV.