Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Nakatiwangwang na airport sa Cotabato, sino ang dapat managot?


INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES: CONSTRUCTION ONGOING
DECEMBER 19, 2019
THURSDAY, 8 PM SA GMA NEWS TV

 

Nakatiwangwang at hindi napakikinabangan ang dapat sana’y Central Mindanao Airport sa Barangay Tawan-tawan sa M’lang, North Cotabato.

Naging tirahan na ng mga baka ang dapat sana ay daanan ng mga eroplano.

 

 

Pansamantala ring ginawang kampo ng militar ang terminal building ng airport.

 

 

Noong 2003 sinimulang ipatayo ang Central Mindanao Airport. Proyekto ito ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cotabato sa ilalim ni dating Gobernador Emmanuel Piñol at ng dating Air Transportation Office o ATO. Ang ATO ngayon ay Civil Aviation Authority of the Philippines na at nasa ilalim ng Department of Transportation o DOTr.

Sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Kapitolyo at ATO, ang 64 ektaryang pagtatayuan ng airport ay bibilhin ng lokal na pamahalaan. Ang ATO naman ang mangangalap ng pondo para sa proyekto at mangangasiwa sa airport.

Binuksan ang airport noong 2009 sa pangunguna ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Pero ni minsan, hindi ito nagamit ng publiko.

 

Problema raw sa titulo ng lupa ang dahilan kaya’t hindi pa masimulan ang operasyon ng airport. Nawawala raw kasi ang mga dokumento.

 

Bakit nakatiwangwang ang airport at sino ang dapat managot dito?

Manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV.