Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pagdidisenyo ng logo, paano nakaaapekto sa tao?


14 November 2019 Episode
DISENYO

“We win as one” ang slogan ng 30th Southeast Asian o SEA Games na gaganapin sa bansa ngayong buwan. Ito na ang ika-apat na beses na gagawin dito ang SEA Games mula nang ilunsad ito noong 1959. Labing-isang bansa ang lalahok dito.

Bahagi ng paghahanda ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee o PHISGOC ang pagbuo ng logo at mascot ng 30th SEA Games.


 

Hugis mapa ng Pilipinas ang SEA Games logo. Binubuo ito ng 11 bilog na kumakatawan sa mga  bansang kalahok: Pilipinas, Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Timor-Leste, at Vietnam.

“Pami” naman ang tawag sa mascot na mula sa salitang “pamilya.”

Ayon sa PHISGOC, dumaan sa bidding ang disenyo ng logo. Nanalo sa bidding ang Ogilvy and Mather Hong Kong, isang sikat at mamahaling advertising company.

Pero pinuna ang logo at mascot ng 30th SEA Games sa social media. Tila hindi raw ito pinag-isipan.


Gumawa ng sariling bersiyon ng SEA Games logo si Michael, isang estudyante ng Multimedia Arts at kasalukuyang layout artist ng kanilang school paper. Ginamit niya sa kaniyang disenyo ang Philippine Eagle. Mas patok kaya ito?


Inulan din ng batikos ang bagong disenyo ng piso, P5, at P10. Bahagi ito ng New Generation Currency (NGC) Coin Series na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas noong 2018.

Marami ang nalilito sa kulay at disenyo ng mga bagong barya, lalo na ang mga driver at nagtitinda. Pare-pareho raw kasi ang disenyo at kulay ng mga ito. Naglagay siya ng ilaw sa lagayan ng barya para hindi siya magkamali sa pagsusukli.


Sa social media, nag-upload ng sariling disenyo ng barya ang art director na si Josef. Gumamit siya ng vertical line patterns para sa piso. Circular patterns naman ang ginamit niya sa limang piso, habang checkered patterns naman ang sa P10. Alin ang mas madaling gamitin?

Ayon sa BSP, dumadaan sa pagsusuri ang bawat disenyo ng barya. Nickel-plated steel daw ang ginamit sa bagong disenyo para maiwasan ang pamemeke. Iisa rin daw ang kulay na ginamit para hindi ito kalawangin.


Ano ba ang proseso ng gobyerno sa paggawa ng logo at iba pang disenyo at paano ito nakaaapekto sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pinoy?

Manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV.