Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pagkuha ng barangay clearance at permits, tinalakay sa 'Investigative Documentaries!'


 


UNCLEARance
24 January 2019

Sa tuwing papasok ang bagong taon, kailangang kumuha ng business permit ng mga may negosyo. Mabigat na raw sa bulsa, nakalilito pa kung magkano ang tamang bayad.



Si Illuminada Vaflor ay may accounting and law consultancy office sa General Mariano Alvarez sa Cavite. Dismayado siya sa paniningil ng kanilang barangay ng P1,200 na garbage fee para sa kanyang business permit renewal.



Ang katumbas kasi ng kanyang binayaran ay bakal na lagayan ng basurahan. Masyado raw itong mahal. At hindi rin official receipt ang ibinigay sa kanya ng barangay.



Sa Las Piñas City, ang halaga ng garbage fee ay tumataginting na P6,000. Inerereklamo rin ito ng mga negosyante. Hindi raw malinaw sa kanila kung para saan ang bayad na ito.



Ang masalimuot na proseso sa pagkuha ng barangay clearance at business permit tampok sa Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.