Kawalan ng disiplina sa pagtapon ng basura, sisiyasatin sa 'Investigative Documentaries'
TAPONation
10 January 2019
Mula pagkabata ay tinuturuan tayo kung paano maging maayos sa sarili, sa bahay, at sa bakuran. Pero pagdating sa pampublikong lugar, tila marami ang kulang sa malasakit.
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), 40,000 na tonelada ng basura ang nakokolekta sa bansa kada araw, mahigit 450 na tonelada ang galing sa Metro Manila.
Walang pinipiling lugar o okasyon ang pagiging makalat ng iba sa atin. Sa airport o terminal ng bus, may mga iniiwang baso at plastic ng pinagkainan. Ang resibo sa ATM nagkalat sa sahig kahit may basurahan naman. Ang mga park pag iniwan ng mga namasyal, tila basurahan.
Maging sa mga pagtitipon na may kinalaman sa relihiyon, nakakalimutan ng mga banal na magbaon ng disiplina.
Sa Quiapo noong 2018, nag-iwan ang mga deboto sa pista ng Quiapo ng 15 truck ng basura. Ngayong taon, sumama ang aming team sa prusisyon ng Itim na Nazareno. May pagbabago kaya o mas lalala ang sitwasyon?
Huwag kaligtaang manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.