Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Iba't ibang pamahiin sa patay, tatalakayin sa 'Investigative Documentaries'


 


HANTUNGAN
01 November 2018 Episode

Sa Baras, Rizal ay may mga matatandang pamahiin at tradisyon na sinusunod pa rin sa tuwing may namamatay.

Ipinaalam ang pagkamatay ng isang tao sa pamamagitan ng Dubla. Hango ito sa katagang espanyol na doblar a muerto na ang ibig sabihin ay pagkalembang ng simbahan. Iba-iba ang klase ng dubla, depende pa ito sa kasarian at edad ng namatay.



May mga hermana at hermano na nagpapabaon ng dasal bago ilibing ang patay pero bawal silang sumilip sa ataol. Malas daw kasi ito.

Bawal rin ang magpukpok ng martilyo sa gabi. Noong unang panahon daw kasi, gawang bahay ang mga kabaong at hanggang gabi ay ginagawa ang mga ito. 

Ang damit ng namatay ay isinasabit sa bintana sa bisperas ng libing, panlaban daw sa masamang panahon.

May bisa ba ang mga pamahiin sa patay? Totoo ba na may langit at impiyerno? Ano ang naghihintay sa kabilang buhay?



Ang ibat-ibang paniniwala sa ating magiging huling hantungan bibigyan ng kasagutan sa Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.