Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Santa Rosa, Laguna double murder case, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


 


IMBESTIGADOR

STA. ROSA LAGUNA DOUBLE MURDER CASE
Sa pagganap nina Ma. Isabel Lopez, Marco Alcaraz, Max Eigenmann at Lucho Ayala

April 2, 2022 Sabado 4:45pm pagkatapos ng Wish Ko Lang

Malagim ang trahedyang sinapit ng isang pamilya sa Santa Rosa, Laguna nito lamang a-primero ng Marso,

Natuklasang nagtamo ng mga saksak sina Marissa Espinosa, ang manugang niyang si Carol Mamaril at ang anim na buwang sanggol na apo ni Marissa. Sa kasamaang-palad, kapwa nasawi sina Marissa at Carol. Di kalayuan sa katawan ni Marissa, nakita rin ang katawan ni Juneful Ruben. Kalaunan, natukoy na si Juneful ay hindi biktima kundi suspek pala sa krimen.

Ano ang kaugnayan ni Juneful sa mga biktima at bakit niya sila pinatay?

Tutukan ang mga detalye sa kasong ito sa pagganap nina Ma. Isabel Lopez, Marco Alcaraz, Max Eigenmann at Lucho Ayala sa Imbestigador ngayong April 2, 2022, Sabado 4:45 ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA.