Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Maguad siblings double murder case, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


 


MAGUAD SIBLINGS DOUBLE MURDER CASE

Sa pagganap nina Barbara Miguel, Julius Miguel Erasga, Claire Castro at Allan Paule

March 5, 2022 Sabado 4:45pm pagkatapos ng Wish Ko Lang

Isa ito sa mga krimeng gumimbal sa bansa noong nakaraang taon--ang brutal na sinapit ng magkapatid na Maguad na naganap sa bayan ng M’lang, lalawigan ng North Cotabato, Disyembre taong dalawang libo at dalawampu’t isa.

Natagpuang tadtad ng saksak sa katawan, may mga pasa at bakas ng sakal ang mga biktimang sina Crizzel Gwynn, labingwalong taong gulang at bunso na si Crizville Louise o mas kilala sa tawag na “Boyboy,” labing-anim na taong gulang. May busal din sa bibig ang nakababatang si Boyboy habang tinakpan naman ng tuwalya ang ulo ni Gwynn. Ayon sa M’lang police, nagtamo ang magkapatid ng nasa tatlumpung saksak sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan

 Paano sinapit ng magkapatid ang karumal-dumal na krimen?

Tutukan ang mga detalye sa kasong ito sa pagganap nina Barbara Miguel, Julius Miguel Erasga, Claire Castro at Allan Paule sa Imbestigador ngayong March 5, 2022, Sabado 4:45 ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA.