Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Sipalay City OFW murder case, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


 

 

IMBESTIGADOR: SIPALAY CITY OFW MURDER CASE

Sa pagganap nina Janna Dominguez at Rob Sy
February 26, 2022 Sabado 4:45pm pagkatapos ng Wish Ko Lang

 

Nitong nakaraang buwan ng Enero, nagbalik-bansa ang OFW o overseas Filipino worker na si Enelisa o Ana Petua matapos ng apat na taong pagtatrabaho sa ibayong dagat. Pero sa kanyang pag-uwi, matinding kapahamakan pala ang naghihintay.

 


Habang sila ay nasa inuupahang bahay sa Barangay Dos, Lungsod ng Sipalay sa Negros Occidental kasama ang kanyang dalawang anak at isang kapatid, isang galit na lalaki ang sumugod sa kanila.

Nagkaroon ng mainit na pagtatalo sa pagitan ng lalaki at ni Ana. Hanggang sa bigla na lang siyang inundayan ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan. Isinugod pa si Ana sa ospital pero tuluyan siyang binawian ng buhay. Ayon sa post mortem examination na isinagawa ng City Health Office ng Sipalay City, limampu’t limang saksak ang tinamo ng biktima. Apatnapu’t isa rito ay malubha at naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Ano ang motibo at sino nga ba ang nasa likod ng karumal-dumal na pagpatay kay Ana?

Tutukan ang mga detalye sa kasong ito sa pagganap nina Janna Dominguez at Rob Sy sa Imbestigador ngayong February 26, 2022, Sabado 4:45 ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA.