Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Batangas rape with homicide case, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


IMBESTIGADOR

MODULE: LAUREL, BATANGAS RAPE WITH HOMICIDE CASE

Sa pagganap nina Teejay Marquez, Kyle Ocampo at Kirsten Gonzales

December 18, Sabado 4:45pm pagkatapos ng Wish Ko Lang

 

Ika-walo ng Nobyembre, pinuntahan ng kinse anyos at grade 10 student na si "Kristel" ang kaklase para gumawa ng module sa kanilang lugar sa Laurel, Batangas.  Pero lumipas ang maghapon, hindi na nakauwi ng bahay ang dalagita.

Sinuyod ng kanyang mga kaanak ang kanilang lugar. Hanggang sa unang natagpuan module ni "Kristel" sa isang masukal na bahagi ng Laurel.

Ang masaklap, katabi nito ang bangkay ng dalagita. Hubo’t hubad ang biktima at pinaniniwalaang sinakal hanggang sa mamatay.

Paano ito sinapit ng biktima at sino ang nasa likod ng na krimen?

Tutukan ang mga detalye sa kasong ito sa pagganap nina Teejay Marquez, Kyle Ocampo at Kirsten Gonzales sa Imbestigador ngayong December 18, 2021, Sabado 4:45 ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA.