Batang nagpaalam lang na kukuha ng panggatong na kahoy, natagpuang patay sa Batangas
IMBESTIGADOR: “BAUAN BATANGAS MURDER CASE”
January 23, Sabado 4:45pm pagkatapos ng Wish Ko Lang
Ika-23 ng Disyembre 2019, umalis ng bahay ang labing isang taong gulang na batang si “Camille” para mangaroling kasama ang ilang kaibigan. Pero nakapagtatakang natapos ang buong magdamag, hindi na siya muling nakauwi sa kanila. Puspusan siyang hinanap ng amain at mga kapatid pero bigo silang matunton ang kinaroroonan ng paslit.
Kinabukasan, bumungad ang balitang kanilang kinatatakutan. Ang nawawalang si “Camille”, natagpuang wala nang buhay, may mga taga sa leeg at walang saplot pang-ibaba.
Ano nga ba ang sinapi ng batang si “Camille”? Ano ang motibo para gawin ang karumal-dumal na pagpaslang sa bata?
Alamin ang mga detalye ng kasong ito sa pagganap nina Biboy Ramirez at Isabel Frial sa Imbestigador ngayong January 23, Sabado 4:45 ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA.