63-anyos na lolo, aksidenteng nasunog o biktima ng brutal na krimen?
Sa gitna ng gabi noong ika-16 ng Agosto, isang nagliliyab na krimen ang naganap sa isang kubo sa Maragondon, Cavite. Nang maapula ang sunog, tumambad ang kalunos-lunos na sinapit ni Raulito Aquino. Kasabay ng pagkatupok ng kubo, kasama ring naabo ang katawan ng dating konsehal ng bayan.
Nagduda ang pamilya ng biktima sa sinapit ng padre de pamilya. Paniwala nila, hindi aksidente kundi may “foul play” at sadyang pinatay ang biktima. Para makasiguro, dumaan sa proseso ng autopsy ang bangkay. Sa autopsy report, nalantad ang mga sagot sa maraming tanong. Natuklasang nagtamo ng iba’t ibang saksak at taga sa ulo at dibdib si Raulito. Nakitaan din ng mga bakas ng palo ang ulo ng biktima. Teorya ng mga pulis, tinangkang ikubli ng nangyaring sunog ang ginawang krimen.
Bakit pinatay at paano sinapit ni dating konsehal Raulito Aquino ang karumal-dumal na krimen?
Abangan ang kabuuan ng mga detalye sa bagong episode ng “Quarantine Crimes” sa Imbestigador ngayong September 26, Sabado, 4:45 ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA.