Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs
“Imbestigador”
Isang dalagita sa Angeles, Pampanga, chinop-chop
“CHOP-CHOP LADY”
Sa pagganap nina Isabelle De Leon at Ryan Eigenmann
April 13, Sabado ng hapon, 4:45pm pagkatapos ng Wish Ko Lang
Nakagigimbal ang sinapit ng labing siyam na taong gulang na si Nina Joy Avelino. Pinagpuputol ang mga bahagi ng kanyang katawan, isinilid ang pira-piraso nito at binti sa washing machine. Habang ang ulo, mga kamay at paa, isinako at itinago naman sa loob ng maleta.



Taong 2014 nang nang lumuwas papuntang Angeles City sa Pampanga si Nina. Bilang panganay sa tatlong magkakapatid, nagsimula siyang maghanapbuhay para makatulong sa mga magulang na pag-aralin ang mga kapatid. Kamakailan, muling bumalik sa kanilang bayan sa Cagayan si Nina. Pero umuwi siyang pira-piraso ang katawan at inilibing kasama ang kanyang matatayog na mga pangarap.
Sino ang nasa likod ng karumal-dumal na pamamaslang sa dalaga?
Sundan ang kabuuan ng kuwento sa Imbestigador ngayong April 13, Sabado, 4:45pm pagkatapos ng Wish Ko Lang.
(Photos from re-enactment)




Tags: imbestigador
More Videos
Most Popular