Pagpatay sa isang dalagita sa Davao, sisiyasatin sa 'Imbestigaor'
“ANGEL NG PAMILYA”
Sa pagganap nina Angelika dela Cruz at Carl Guevarra
November 17, Sabado ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA
Masayahin at malambing ang bunso ng pamilya na Christine Angel, anim na taong gulang. Dahil sa bata, mas lalo pa raw tumibay ang pagsasama ng kanyang mga magulang. Pero ang munting anghel ng mag-anak, hindi nila sukat akalaing maagang mababawi ang buhay.
Bigla na lang naglaho si Christine Angel. Isang linggo siyang pinaghahanap ng buong pamilya. Hanggang dumating ang araw na kanilang kinatatakutan. Si Christine Angel, bangkay nang natagpuan di kalayuan sa kanilang bahay. Nakatali ang mga paa, leeg at mga kamay.
Ano ang tunay na sinapit ng bata? At sino ang may kagagawan ng brutal na krimen
(Photos from re-enactment)