Pananaksak sa isang maybahay, sisiyasatin sa 'Imbestigador'
“BINGIT”
Sa pagganap nina Arianne Bautista, Martin del Rosario at Buboy Villar
October 20, Sabado ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang
Mala-himalang nakaligtas si Olive sa kabila ng dalawampu’t limang mga saksak.
Paano nalagay sa bingit ng kamatayan ang kanyang buhay?
Dalawampu’t limang mga saksak ang tinamo ni Olive Balag nang pasukin ang kanilang tirahan sa Lungsod ng Santiago, Lalawigan ng Isabela.
Naging maselan ang kondisyon ng biktima. Sa resulta ng medico legal, nagtamo siya ng mga saksak sa kaliwang braso, tagiliran, ibabang bahagi ng kaliwang dibdib. Sa pagsusuri, lumabas na kabilang din sa mga tinamaan ang lapay ni Olive kaya kinailangan niyang sumailalim sa operasyon. Matapos nito, mala-himala siyang nakaligtas sa bingit ng kamatayan.
Ano nga ba ang dinanas ng biktima at sino ang may kagagawan sa krimeng muntik umagaw sa kanyang buhay?