Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pagpatay sa isang bata sa General Santos City, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


“BUNSO: MARRY AGUSTIN RAPE SLAY”
Sa pagganap nina Rich Asuncion, Biboy Ramirez, Kelvin Miranda at Chlaui Malayao


Puno ng buhay at masiyahin ang walong taong gulang na si Marry, bunso sa tatlong magkakapatid.

Excited si Marry sa pagsapit ng kanyang kaarawan noong ika-10 ng Nobyembre, 2017. Simple lang ang kanyang hiling: ang magpunta ng dagat kasama ang pamilya. Pero isang araw bago nito, biglang nawala si Marry.

Puspusan siyang hinanap ng mga kaanak at otoridad. Hanggang nakita siya sa isang bakantyeng lote sa Purok Lavista, Brgy Tambler, General Santos. Si Marry, basag ang mukha, walang saplot sa katawan at  isa nang malamig na bangkay.

Sino ang pumaslang kay Marry? Paano siya nauwi sa karumal-dumal na krimen?

Sundan ang kabuuan ng kuwento at alamin ang mga kasagutan sa Imbestigador ngayong Sabado ng hapon, June 30, pagkatapos ng Wish Ko Lang!