Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pagpatay sa isang dalagita, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


“KUWEBA”
Sa pagganap nina Jayson Francisco, Kyle Ocampo at Arjan Jimenez

Bisperas ng Bagong Taon noong 2015, naglahong parang bula ang dose anyos na dalagitang si Rochelle Mahilum sa Lungsod ng Sipalay, Negros Occidental.

Sa paggulong ng imbestigasyon, natunton ng mga otoridad ang isang kuweba halos isang kilometro ang layo mula sa bahay ng biktima. Dito ay tuluyang natagpuan ang batang si Rochelle, pero isa na siyang malamig na bangkay. Walang saplot ang katawan, may nakatali sa kanyang leeg at may sugat sa ulo.

Paano humantong sa malagim na katapusan ang buhay ng dalagita?