Pagkamatay ng mag-ama sa Negros Occidental, sisiyasatin sa 'Imbestigador'

"MAG-AMA”
Sa pagganap nina Valerie Concepcion, Lucho Ayala, Chlaui Malayao at Simon Ibarra
April 24, 2018, ipinagdiwang ng batang si April Rean Padua ang kanyang ikapitong kaarawan. Pero sa araw ding ito, malagim na kamatayan ang sinapit nila ng ama niyang si Antonio.
Sa loob ng kanilang tirahan sa Lungsod ng Silay, Negros Occidental, kapwa sila pinagtataga at sinilaban hanggang tuluyang mamatay.
Sa paggulong ng imbestigasyon, hindi inasahan ng mga awtoridad ang mga sumunod na rebelasyon! Isa sa mga naging “persons of interest” si Rogelia, ang mismong ina ni April at dating kinakasama ni Antonio!
May kinalaman nga ba si Rogelia sa malagim na sinapit ng sarili niyang mag-ama? Bakit nauwi sa brutal na pagpaslang ang mag-amang April at Antonio?