Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pagpatay sa isang binata sa Tarlac, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


“RESBAK”
Sa pagganap nina Adrian Pascual, Kelvin Miranda at Tanya Gomez

Madaling araw noong ika-dalawampu’t isa ng Pebrero 2018, may mahalagang tagpong nakunan ang closed circuit television camera (CCTV) ng Barangay Dolores sa Capas, Tarlac.


Nagtakbuhan sa kalye ang ilang kalalakihan patungo sa isang eskinita.  Matapos nito, binugbog, pinagpapalo, at iniwang duguan sa kalsada si Roen Lasca, labing siyam na taong gulang.

Matapos ang ilang minuto, rumehistro sa CCTV camera ang dahan-dahang paglalakad ng bugbog-saradong si Roen pauwi sa kanila. Naitakbo pa siya sa ospital ng kaniyang ina. Pero matapos ang ilang araw, tuluyang binawian ng buhay si Roen. Nakatakda sana siyang magtapos ng high school noong Marso.


Bakit pinatay si Roen? Paano nakatulong ang mga kuha sa CCTV sa pagkakatukoy ng mga salarin?